National Coniliation and Mediation Board
Press Release

Ipinagdiwang ang ika- 29 na anibersayo ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) nuong Enero 4, 2017. Ito ay naganap sa ikalimang palapag ng gusali ng Arcadia sa Quezon Avenue, Lungsod ng Quezon.

Sinimulan ito sa isang pasasalamat na misa sa pamumuno ni Padre Virgilio A. Ojoy. At sinundan ng isang pambungad na mensahe ni Punong Ehekutibo Shirley M. Pascual. Sa kanyang mensahe binati niya ang mga panauhing pangdangal na pinangunahan ng Kalihim ng Paggawa at Empleo Silvestre H Bello III at Pangalawang Kalihim ng Ugnayan ng Paggawa Joel B. Maglunsod, mga opisyales, at mga kawani ng NCMB.

Ang NCMB o Pambansang Ahensiya Sa Pagkakasundo ay naitatag noong Enero 4, 1988 bilang isang ahensiya ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo sa bisa ng Executive Order 126, ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang sagot sa lumalaking kaguluhan sa pagitan ng mga manggagawa at mamumuhunan.

Noong unang bahagi ng taon 1988 pinangunahang ng Ahensiya na maayos ang tumataas na tension ng industriya at pag-aalsa ng mga kilusan ng manggagawa. Bilang isang resulta, ang bilang ng mga pang-industriya nag welga ay bumaba hanggang ito ay umabot sa “single digit strike incidence” noong taong 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Nagpasalamat si Kalihim Bello III sa mga kawani ng ahensya sa pagtulong upang mapalaganap ang mapayapang relasyon ng mamumuhunan at manggagawa. Batid niya ang hirap at oras na ginugugol ng mga opisyales ng ahensya upang maresolba ang mga sigalot at karainggan ng mga manggagawa. Kanya ring pinasalamatan ang pagtugon ng NCMB sa kondisyon ng mga manggagawa sa local na industriya, lalo na yung mga sigalot sa pagitan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa pagtitiyak ng karapatan, kagalingan at kabuuang pag-unlad ng mga manggagawa. Kanyang binigyang pugay ang mga opisyales at kawani ng NCMB na kahit abutin ng 24 oras o nakabakasyon ay tuloy pa rin ang pagsisikap na maiayos and di- pagkakaunawaan ng magkabilang partido. Hinikayat din niya ang ahensya na magpatuloy sa paglinang ng makabuluhang relasyon sa ugnayan ng paggawa.

Bilang pagtatapos nagpasalamat si Ehekutibo Pascual Kay Kalihim Bello III, Pangalawang Kalihim Maglunsod sa pagsuporta sa ahensya, At pasasalamat din sa mga direktor, opisyales, at mga kawani sa pagsisikap na mapalaganap at mapanatili ang matiwasay at mapayapang relasyon sa pagitan ng namumuhanan at manggagawa sa taong 2016. – Diadema A. Aguirre